Buhay: Sa Pagitan ng Dekada 70 at 80
ni ERICH B. TUNQUE
Napakasarap minsan na pagbalik tanawan ang mga kwentong may kinalaman sa buhay natin sa mga nabuhay at nagka isip na noong dekada 70 at 80. Kung maaalala ninyo ay simpleng simple lang ang buhay natin noon haneh. Tahimik kahit na sa kabila ng pagka lo-tech ng lifestyle natin noon. Wala pa telepono masyado at cable tv, internet at kung anu-ano pa. Simple rin lang ang mga libangan ng mga bata kahit pa abutin ng kabilugan ng buwan dahil sa taguan.
Ang pag-iiskwila noon ay bansaya abah. Noon nakakabili pa ng singko at diyes na cosmos at munay na me palaman. Bayinte singko baon sa iskwila at me pambili pa ng mayukmok (madalas may free sa loob ang triangular shape na powdered corn with sugar) at nutribun na me bukbok at pinapalaman ng peanut butter, star margarine na me asukal o Alaska condensed. Pero kailangan na kaagad makain sa reses at titigas na ang tinapay. Pag tumigas, papahakot na ng mga titser na me alagang baboy. (kilala ko yun pero secret na lang). Sino ba naman ang makaklimot sa mga school activities noon, tulad ng Boy Scout – Kab Skawt at Girl Scout camping. Camping na sinasamahan pa ng mga magulang sa camping overnight. Tapos may mga napipiling mga Scout ang titser na papadala sa mga Jamboree sa kung saan saan. Pero pag small time sa mga inter Morong-Baras District muna, pero pag malakihan na e as far as Bicol or Makiling sa UPLB.
Ay sino ba naman ang makakalimot sa larong luksong tinik at Chinese garter. Luksong kabayo at dirabes. Softball at moro-moro. Patentero o tumbang preso. Taugan o hulugang ginto. Sino magsasabing hindi umuuwi ng maaga mga bata? Bago umuwi ang mga bata kailangan muna kumanta ng Bagong Lipunan ( ganito yun…May bagong silang, may bago ng bukas, bagong bansa, sa Bagong Lipunan…nagbababago ang lahat..tungon sa pag-unlad..at ating itanghal…Lipunan.)..o kaya Pilipinas Kong Mahal (ganito naman yun..Ang bayan ko’y tanging ikaw..Pilipinas kong mahal..ang puso at buhay may sa iyo ibibigay….)..pagtapos ng kanta..unaunahan sa hagran papababa…Pag umaga naman unanahan ang mga lalaki pagtataas ng watawat..kailangan magpa cute sa crush kase siempre sa kanila titingin eh…hmmm…tapos maghahanap na ng mag de demo sa unahan para sa kanta ni Olivia Newton John – Let’s Get Physical..let me hear your body talk..
Sa umga ang mga naka assign sa canteen ang mga mag de deliver ng mga tray sa room. Unahan na naman kase para maka jerk sa mga crush at dapat makuha mo yung tamang room ng crush mo…hmmmm..Hayyyy.. ako’y kinikilig habang tina type ireng kwento na ito.
Masaya at malungkot ang bakasyon. Masaya kase unlimited playtime sa mga larong uso. Pag tag-ulan uso gagamba at kailangan me huwepe para manulo ng gagamba. Noon pag umaga banraming mga tutubi, ambabangas, tutubing karayom at paru-paru sa karsada at mga palayan. Ang mga batang babae at medyo me sinyales na ng pagkbading ay naglalaro ng tinratinrahanan at bahay-bahayan. Yung mga rahon ng gumamela ginagawang mantika kunwari at ang mga pera ay mga piƱitas na rahon ng san Francisco o Santan, ang mga pinitpit na tansan ang coins. Ang mga lalaki naman ay puro Star Ranger, Voltes V, Daimos, at Mazinger Z ang pinagkakaabalahan. Pag medyo lipas na sa mga larong bata, iba na libangan..Bulador pag medyo nakalipas na sa pagpapalipad ng boka-boka. At pag prof level na Sarangola na ang pinapalipar. Iyan naman ang mga libangan pag summer vacation. Pero minsan nauuso rin ang mga tex, lastiko na tinitirintas pa at pahabaan ng nakapulupot sa leeg o katawan. Pag ganyan ang laro madalas kami noon sa lumang bahay nina Richard San Antonio sa palanas (naalala ko tuloy yung mga classic ng kotse dun). Kalaban naming noon mga taga gitna. Sina Neil (Bunel) Pantaleon, pati si Noknok nag iisang babae. Masaya bakasyon noon. Simple at walang masyadong stressors sa maraming bagay.
Kung masaya ang bakasyon, may nalulungkot rin. Walang baon kase tapos hindi pa makaka jerk o makaka silay sa crush. Walang baon so kailangan ng summer raket. Noon nagtitinra kami ng pandesal sa umaga, ice candy or tuba pag tanghali at balut sa gabi. Hindi pa uso bantay bata 166 noon. Pero yun naman pagta trabaho namin na iyun e ay walang force labor. We love it, kase at a young age ‘we’ve learned to value money and enjoy at the same time. Kahit kami ay pinapatigil ng mga magulang namin, tuloy pa rin. Pero talagang diyeta sa silay o jerk.
Kumusta naman ang mga porma at hairstyle noon. Porma, aba e ang mga matatanra noon ay parang walis ng kalsada mga pantalon tapos hapit na hapit naman ang mga polo. Mukhang paint brush. Ang mga nanay nanay naman ay medyo tolerable pa, pero yung mga dalaga, me mga ala Charlies’ Angels. Tapos nauso yung palagatos. Gulong na luma na ginawang sandals. Aba eh wala na nga ako makitang ganun, puro paso na lang nakikita ko. Pag me pasayawan sound system ni Tiyo Imbe San Felipe ang gamit. Ang mga tugtog ay depende sa mga me pasayawan. Pag mga oldies…mawawala ba ang mga Patty Page, Fred Panopio, Anastacio Mamaril, ang mga Paper Roses, chacha, balse. Please Please Please Mr. Love…mga Victor Wood..etc..basta banrami pa…pag mga kadalagahan at binata at mga may asawa at club club….ayan, puro mga Tulsa Time, Smoke on The Water, Bee Gees, Juan Dela Cruz, Mike Hanopol, Wally’s Blues, Sampaguita, Corita, Asin, Freddie Aguilar, Rod Stewart, Pink Floyd, Led Zepp. Queen, at banrami pang iba. Pag nag ipinatong na yung karayom sa plaka, aba’y umaalimpuyo na ang alikabok at mas maraming natitirang lalaki kesa babae sa upuan..maliban na lang sa nambabakor sa babae..yung iba naman e bigla na laang nawawala, di ko na lang matanraan kung saan nagpupunta mga magkakapareha..bata pa kase kami noon eh….tapos yung mga jeprox noon, parang microphone mga buhok ng iba, Afro..yung iba naman parang Robin Gibb (o taga igib), pupunta na kung saang sulok at me pinupulupot na papel at sinisinrihan, aba’y hindi ko na alam kung ano iyon..yung iba naman may dalang cough syrup wala naman yatang ubo…(me Ekis pinoy pa ata na may logo ng bungo at ekis na buto)…pero kahit ganun ang buhay, wala namang mga karumal dumal na krimen. Simple lang, rock en roll ang wika nga nila…Tingnan nyo na lang si Pepe Smith..yun ang porma..talagang hardliner na era ng mga Jeproxism..naiwanan talaga sa kanya ang era. Classic talaga.
Me mga tele serye na ba noon? Aba’y mayroon na rin. Sino makakalimot kina Rene Boy, Coronel Alecante, Aguida, Jo, Andrea, Soling, Tibor at Flor sa Flor De Luna; Si Peping, sa Gulong ng Palad; at Julie Vega. Sa mga comedy series noon…Iskul Bukol ng mga Eskalera Brothers, Mang Temi, Redford at MS. Tapia..TODAS..yung mga pambata na Kaluskos Musmos, Kulit Bulilit ni Aimee Marcos, at Sesame Street. Game show, Spin A Wheel at Kwarta o Kahon. Kayo na bahalang magdagdag kung me maalala kayo.
Mawawala ba naman ang mga dula sa radio mula tanghali hanggang hating gabi? Manila Broadcasting Corporation…kauna-unahan sa Pilipinas…DZRH…Sa tanghali, Simatar…sa hapon Johnny Tango…wag kang tatanga tanga…tanga…dakila naman…Sa pagsapit ng gabi…Awoooo..Awoo Awoooo…Ano ang nasa dako pa roon, mula sa balintataw, o likha ng malikot na pag-iisip…eto na ang GABI NG LAGIIIIIM…..mula sa panulat ni Eloisa Cruz Carlas…..at siempre sa hating gabi..Johnny Midnight…ihanda na ang toning water..hayyy…
Sa isang upuan, malayo na narating ko. Maraming panahon ang nasariwa, at nabalikan ang mga simple o payak na pamumuhay ng mga karaniwang tao sa isang sulok at maliit na komunidad tulad ng San Guillermo, na maaring kahalintulad rin ng mga taga ibang baryo. Simpleng namumuhay sa mga tahanan na may batalan, banggirahan, bastiyang sahig (na gawa sa mabeberdeng dumi ng kalabaw), mga banga na inuman, sisto na imbakan ng mga masaganang ani ng palay, mga salop ng bigas na pwede pa makahingi sa mga inang, mga nakasabit na salakot ng mga namamalayan, mga tampipi para sa mga baon na pagkain na nakabalot sa dahon ng saging, mga taeng kalabaw na nasagasaan ng paragos sa kalsada, mga arko ng gawa sa kawayan na kinayas ng mga amang, lolo, at tatay natin, ,mga batis at ilog na malinis na pinapalguan ng mga bata at kalabaw sa tabing-ilog, mga puno ng aratiles, kamias na laging may nanghihingi sa amin. Mga dating laman ng kalsada ay paragos o kuliglig na ngayon ay napalitan na ng mga de motor na sasakyan.
Masaya at malungkot din ang naramdaman ko habang tinatapos ko ang kwentong ito. Masaya kase sa isang oras at mahigit ay narrating ko muli ang mga panahon na nalagas na sa ating kalendaryo, panahon na ngayon ay matatanda na lang makaka alala. May halong kilig at luha ng tuwa kahit ako ay nag–iisa na ginagawa ko ito. Pero sa kabila nito, nalulungkot ako kase isang istorya na lamang ito na dati rati ay bahagi lang ng pamumuhay ng mga taga baryo, mga batang laking baryo, mga mamamayan na namuhay ng payak, tahimik at ligtas sa talamak na krimen. Mas lalo ako na nalungkot na tayo na lamang ang biniyayaang ng Diyos na makaranas ng ganitong klase ng buhay. At sa bandang huli, lungkot at pag-aaalala ang naiisip ko para sa mga susunod na henerasyon o salinlahi. Panahon na malamig, sariwa hangin, malinis na ilog at ligtas na kapaligiran. Ang unti-unting paglaho ng mga magagandang asal at tradisyon at napapalitan na ng technoly based na culture. Dalangin ko na lamang nawa ay ma appreciate din sana nila ang mga simpleng kwento ng buhay natin noon sa BUHAY: SA PAGITAN NG DEKADA 70 AT 80.